
MANILA — Upang tuluyang makabangon ang bansa mula sa epekto ng COVID pandemic, ipinamamadali ni 4th District Rizal Rep. Fidel Nograles sa mga kasamahang mambabatas ang pagpapasa ng panukalang paglikha ng trabaho para sa mayorya ng mga Pilipino sa buong bansa.
“We need to institutionalize and expand the current National Employment Recovery Strategy or NERS and establish a Jobs Creation Plan (JCP), which would help us address the various labor, social, and economic issues that have cropped up during the pandemic,” ayon kay Nograles, Chairman ng House Committee on Labor and Employment.
Alinsunod sa House Bill 8400 o ang Trabaho Para sa Pilipino Act, ang Inter-Agency Council for Jobs and Investments ay lilikhain na siyang mangangasiwa sa komprehensibong pag-aanalisa sa sitwasyon ng trabaho sa labor market sa bansa at paglikha ng medium and long term na JCP.
Inihayag ng solon na ang panukala ay krusyal para matulungan ang nasa 2.18 milling unemployed Filipinos na makahanap ng makabuluhang trabaho, bukod pa sa 15.68 million informal workers na naapektuhan ng pagsasara ng mga negosyo noong pandemya. (philstar)





