MTRCB: ‘It’s Showtime’ host palaging mahalay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isiniwalat ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Dio­rella “Lala” Sotto-Antonio na ilang beses na nilang pinadalhan ng warnin­g ang programang “It’s Showtime” dahil sa mga mahahalay na lengguwahe pero binabalewala lamang sila.

Isiniwalat ito ni Sotto-Antonio bilang sagot sa reklamo ng iba kung bakit hindi niya ipinatawag ang mga magulang nitong sina dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Helen Gamboa nang pupugin ng halik ng dating senador ang kanyang asawa sa programang “E.A.T.” kamakailan bagkus ay pinag-initan daw ang segment ng programa nina Vice Ganda at Ion Perez na nagsusubuan ng daliri habang kaharap ang mga bata.

“Wala silang nilabag na mga alituntuin at gabay ng MTRCB kaya’t hindi po dapat bigyan ng notice to appear at hindi dapat ipatawag ang E.A.T.” diin ni Sotto-Antonio tungkol sa ginawa ng kanyang magulang.

Aniya, matagal na nilang binabantayan ang programang “It’s Showtime” dahil sa mga gina­gamit na lengguwahe ng mga host kaya ilang beses silang nag-iisyu ng warning sa programa.

“Kung alam n’yo lang, ilang notices na ang pinadala namin sa kanila. Nakailang warning na rin sila dahil puro sila may violations sa lengguwahe, paulit-ulit po iyon,” paglalahad ng MTRCB chief sa programang Cristy FerMinute nitong Miyerkoles.

“Ito hindi namin puwedeng palampasin. Magalit na ang dapat magalit,” diin pa niya. (Abante)

LATEST

LATEST

TRENDING