
MANILA – Nakatakdang isumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara de Representantes ngayong Miyerkoles ang panukalang P5.768 trilyong national budget para sa 2024.
Inaasahan ang personal na pagbibigay ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ng kopya ng 2024 National Expenditure Program (NEP) sa liderato ng Kamara at ang bahagyang pagtalakay sa laman nito.
Isang simpleng programa ang inihanda sa Romualdez Hall alas-10:00 nang umaga.
Ang Kamara at Senado ay mayroong kapangyarihan na usisain at amiyendahan ang NEP.
Nauna ng sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na aaprubahan ng Kamara ang General Appropriations Bill sa ikatlo at huling pagbasa bago ang break ng sesyon sa Oktobre.
Ang panukalang 2024 budget ay mas mataas kumpara sa P5.268 trilyong budget ngayong taon. (Abante)





