Bagyong Falcon susunod na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakalabas na sa bansa si super typhoon Egay habang inaasahang susunod agad na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Falcon bukas.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), kumikilos ang low pressure area (LPA) o namumuong sama ng panahon mula sa layong­ 1,800 kilometro sa northeastern Mindanao at tatawaging itong bagyong Falcon kapag nakapasok na sa bansa.

Ayon kay weather specialist Benison Estareja, wala pa itong direktang epekto saan mang panig ng bansa sa susunod na dalawang araw pero mararamdaman ang epekto nito sa Agosto 1 kung saan ay palalakasin nito ang hanging habagat.

Samantala, wala na sa bansa si ‘Egay’ pero nanatili ang lakas nito habang kumikilos pa-Taiwan. (Abante)

LATEST

LATEST

TRENDING