Pangulong Marcos sa smugglers, hoarders: ‘Bilang na ang araw n’yo!

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — “Bilang na ang Araw ninyo”.

Ito ang babala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga smugglers at hoarders ng mga produktong agrikultural.

Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos na ang mga smugglers at mga hoarders ang dahilan sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong agrikultura, gayundin sa fertilizers o pataba na ginagamit ng mga magsasaka.

Babala ni Marcos, hahabulin at ihahabla ang mga smugglers at hoarders dahil hindi ito tugma sa magandang layunin at sa halip ay napapahamak hindi lang ang mga magsasaka kundi tayo rin mga mamimili kaya hindi niya papayagan ang ganitong kalakaran.

Ang mga hoarders at smugglers din umano ang dahilan ng pagtaas ng presyo dahil namamanipula nila ang mga produktong agrikultural.

Kasabay nito, inihayag din ni Marcos sa kanyang SONA na pinapalawak ng pamahalaan ang kaalaman ng mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya at pamamaraan.

Kabilang na umano rito ang paggamit ng bioferti­lizer na gawa sa Pilipinas para hindi na umasa sa mas mahal at imported na fertilizer para mapalakas ang local agricultural production  at sa ganitong paraan ay gaganda ang ani ng mga magsasaka.

Ibinida rin ng Pangulo sa kanyang ikalawang SONA na namigay ang pamahalaan ng mahigit na 28,000 makabagong makinarya at mga kagamitan sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.

Namigay rin umano ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit 50,000 binhi ng palay, mahigit isang milyong binhi ng mais at sari-saring binhi ng gulay.

Bukod pa rito, nagpamigay din umano ang pamahalaan ng mahigit 100,000 binhi ng niyog at nagpatanim ng halos 10,000 ektarya ng lupa sa buong bansa. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING