
MANILA — Dapat marinig ng mga Filipino ang tunay na kalagayan ng bansa ngayong ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, na umaasa siya na tatalakayin ng Pangulo ang tunay na sitwasyon ngayon ng mga Pinoy at ang lebel ng kanilang sambayanan.
Paliwanag pa ni Pimentel na ilan sa mga isyu na dapat talakayin ngayong araw ni Marcos sa kanyang SONA ay ang high cost of living, hindi sapat na kita, problema sa edukasyon, unemployment at underemployment, at ang lumulobong national debt.
Idinagdag pa ng Senador na bagamat mahalaga ang macroeconomic figures, ay naka-concentrate ang SONA sa microeconomic matters na nakakaapekto sa buhay ng ordinaryong Pilipino.
Sinabi pa ng Senador ang kahalagahan ng edukasyon bilang ‘great equalizer’ kaya iminungkahing magkaroon ng mas malaking budgetary allocation gayundin ang pagsama ng computer-coding sa school curriculum.
Dapat din umanong tutukan ang mga mayroong mental health conditions o mga may problema sa pag- iisip na karamihan sa kanila ay ipinanganak na ganito na rin ang kondisyon.
Mahalaga rin umano na tutukan ang agrikultura na magkaroon ng dagdag ng trabaho, pagkain at malabanan ang inflation.
Bukod dito, dapat suportahan ang micro and small entrepreneurs, mental health initiatives, at humikayat ng long-term foreign investment. (philstar)





