DOH: Pilipinas, face mask-off na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Wala na ring bisa ang mandato sa pagsusuot ng face mask ng publiko sa mga ospital at public transportation matapos ang pagbuwag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa COVID-19 State of Emergency, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa.

“Consequently, the requirement for wearing masks [on] public transportation and [in] other settings as specified in EO 7 is now considered rescinded from a technical standpoint,’’ paliwanag ng kalihim.

Matatandaan na idi­neklara ng Pangulo nitong Oktubre 2022 na opsyonal na ang pagsusuot ng face mask sa inilabas na Executive Order No. 7 maliban sa loob ng mga ospital, ambulansya, at mga pampublikong transportasyon.

Nitong Biyernes ay naglabas ang Pangulo ng Proclamation No. 297, na nagsasaad na lahat ng mga naunang kautusan, memoranda, at issuances na epektibo lamang sa ilalim ng State of Public Health Emergency ay aalisin na at hindi na magkakabisa.

Dahil dito, sinabi ni Herbosa na ang panga­ngailangan para sa pagsusuot ng mga face mask sa pampublikong transportas­yon at iba pang mga lugar tulad ng tinukoy sa EO 7 ay binabawi na.

Sinabi rin ni Herbosa na lahat ng naipatupad na mga ‘medical protocols’ ay tinanggal na rin, maliban na lamang sa patuloy na implementasyon ng Emergency Use Authorization (EUA) kaugnay ng mga bakuna at pagbabayad ng mga dues para sa Health Emergency Allowance para sa mga healthcare workers.

Tatagal ang implementasyon ng EUA ng isa pang taon, hanggang sa maubos na ang nalalabing suplay ng bakuna.

Magpupulong din sa huling pagkakataon ang Inter-Agency Task Force (IATF) para bigyan ng konklusyon ang public health emergency at ma­kabuo ng isang komprehensibong ulat ukol dito. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING