DOTr iraratsada P170B NAIA rehab

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na malalaman sa katapusan ng 2023 kung sino ang nagwaging private bidder para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ito ng kalihim matapos aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang solicited proposal para sa rehabilitasyon ng NAIA na nagkakahalaga ng P170.6 bilyon.

Umaasa si Bautista na magkaroon umano ng pirmahan sa pagitan ng pamahalaan at ng mananalong bidder sa kalagitnaan ng 2024.

Kapag nagawa umano nilang ilathala ang Terms of Reference ay puwede na silang tumanggap ng bid at bibigyan ang mga interesadong partido ng dalawang buwan para magsumite ng kanilang alok at posibleng maibigay na ang proyekto sa winning bidder pagdating ng Disyembre 2023. (Abante)

LATEST

LATEST

TRENDING