Pangulong Marcos sa P20/kilo bigas: ‘Wala pa tayo roon’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi pa natutupad ang kanyang pangako na maibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas pero ginagawa aniya ng kanyang administrasyon ang lahat upang matupad ito.

“Iyong ating hangarin na 20 pesos na bigas [kada kilo] eh wala pa tayo, pero ginagawa natin ang lahat,” ani Marcos sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng  Kadiwa ng Pangulo program sa buong bansa.

“Sa pangarap nating makamit ang presyo ng bigas na P20 kada kilo, wala pa tayo, pero ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya,” dagdag ni Marcos.

Nagtungo sa San Fernando City, Pampanga si Marcos nitong Lunes para pangunahan ang nationwide na paglulunsad ng programang Kadiwa ng Pangulo.

Sa paglagda ng me­morandum of agreement (MOA) sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagtatayo ng ‘Kadiwa ng Pangulo” outlets sa antas ng local government unit, sinabi ni Marcos na ang tindahan ay may simpleng layunin na tanggalin ang middleman para bumaba ang presyo ng pagkain.

Binanggit din ni Marcos na bukod sa pagpapababa ng mga presyo, ang pinakalayunin ng Kadiwa program ay pa­lakasin ang mga produktong agrikultura upang magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain ang mga Pinoy at  para i-export din sa ibang mga bansa.

Ayon sa  Malacañang na lahat ng 81 probinsya sa Pilipinas ay sumali sa sabay-sabay na paglu­lunsad sa kanilang pagbubukas ng sarili nilang mga Kadiwa centers sa kanilang mga lokalidad. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING