
MANILA — Nakatakda nang ilabas ng Department of Education (DepEd) ang nirebisa nilang curriculum para sa K-10 program o Kinder to Grade 10, sa susunod na mga linggo.
Sa isang press briefing, sinabi ni DepEd Spokesman at Undersecretary Michael Poa na ang implementasyon naman nito ay sa School Year 2024-2025.
Ayon kay Poa, upang paghusayin pa ang kalidad ng basic education sa bansa, mas tututukan ng bagong curriculum ang mga asignatura sa Math, Science, English, Reading at Values Formation.
Noong Abril, binuksan ng DepEd ang draft ng K-10 curriculum para sa public review.
Samantala, sinabi naman ni Poa na kasalukuyang nirerebyu ang K-13 curriculum. (philstar)





