
MANILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na ipatupad ang National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing, and Counter Proliferation Financing Strategy (NACS) 2023-2027.
Ang direktiba ng pangulo ay nakapaloob sa Executive Order No. 33 na layuning mapalakas pa ang kampanya laban sa anti-money laundering.
Layunin din ng EO na masugpo ang counter-terrorism financing o pondong ginagamit ng mga terorista para labanan ang pamahalaan.
Sakop ng EO ang lahat ng departamento, ahensiya, bureaus at mga tanggapan sa national government, kasama na ang government-owned and controlled corporations at local government units.
Binibigyan ng EO ng dagdag na kapangyarihan ang National Anti-Money Laundering Counter Terrorism Financing Coordinating Commitee na magreorganisa ng kanilang sub-committees. (Abante)





