Maharlika Bill nasa Malacañang na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Natanggap na ng Malacañang ang panukalang Maharlika Investment Fund para sa lagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbogn” Marcos Jr.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na natanggap na ng Palasyo, sa pamamagitan ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, ang panukalang batas noong Martes, Hulyo 4.

Pero wala pang petsa kung kailan ito pipirmahan ng Pangulo upang maging ganap na batas.

Una nang sinabi ni Marcos na agad niyang lalagdaan ang panukala sa sandaling ipasa ito sa Malacañang.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng Pangulo na ang ipinasang panukala ay ang bersiyon ng House of Representatives na sinang-ayunan ng Senado at titingnan ng Malacañang kung anu-ano ang mga ginawang pagbabago.

Idinagdag ni Marcos na karamihan naman sa binago ay tungkol sa safety at security ng pension funds dahil dito nag-aalala ang mga tao.

Sinabi rin ni Marcos na ang tagumpay ng anumang pondo katulad ng pension fund, sovereign fund at investment fund ay sa management nito. (philstar)

LATEST

LATEST

TRENDING