MRT-3 atat sa dagdag pasahe

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Humirit ng taas-pasahe ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para mapunan umano ang mga gastusin sa maintenance ng mga bagon ng tren makaraang aprubahan ang pagtataas ng pasahe ng iba pang tren.

Sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT3 officer-in-charge Jorjette Aquino, P2.29 ang hiling na pagtaas sa pasahe kaya mula sa P11 ay magiging P13.29 na ang boarding fare at dagdag na P0.21 sa kada kilometro kung maaaprubahan ang fare hike petition.

Ikinatuwiran ng MRT-3 na ang huli nilang pagtaas ng pasahe ay noon pang 2015.

Umabot sa P8.969 bilyon ang gastos ng MRT-3 as of November 2022, habang ang total revenue ay P1.107 bilyon lamang o deficit na P7.861 bil­yon. Lumalabas na P88.34 ang government subsidy kada pasahero.

Sinabi ni Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez na posibleng abutin ng dalawang buwan bago maaprobahan ang fare hike petition.

Kamakailan lamang ay inaprubahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang taas singil sa pasahe sa Light Rail Transit Line 1 at Line 2 na nakatakdang ipatupad sa August 2. (Abante)

LATEST

LATEST

TRENDING