Hemodialysis package pinalawak

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go, tagapa­ngulo ng Senate committee on Health and demography, ang PhilHealth sa ibinibigay na suporta sa mga pasyenteng may chronic kidney disease (CKD) stage 5 sa pamamagitan ng pagpapalawak ng hemodialysis package nito.

Mula sa 90, dinagdagan ng PhilHealth sa 156 ang taunang hemodialysis session nito.

Ang inisyatiba ay layong pagaanin ang pinansiyal na pasaning kinakaharap ng mga pasyenteng dumaranas ng nasabing sakit at tiyaking sila ay makakatanggap ng kinakailangang paggamot upang mabisang pamahalaan ang kanilang kondisyon.

“Napakalaking tulong nito para sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahihirap. Kaya naman maraming salamat sa PhilHealth sa pagsisiguo ng kapakanan ng bawat Pilipino,” ayon kay Go.

“Patuloy lang sana tayo magkaroon ng ganitong inisyatibo na mas lalong maraming Pilipino ang makikinabang. Huwag natin sila pahirapan na makakuha ng serbisyong medikal,” idiniin niya.

Hinikayat ni Senator Go ang publiko na samantalahin ang pinalawak na package at hinimok ang mga indibidwal na alamin ang tungkol sa mga benepisyong magagamit sa pangangalagang pangkalusugan.

LATEST

LATEST

TRENDING