DBM, DOF atat dagdagan buwis ng soft drink, sitsirya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hindi pa man naisasabatas, inilista na agad ng Department of Budget and Management (DBM) ang revenue na makokolekta sa ipapataw na karagdagang buwis sa sweetened beverages tulad ng soft drink at maaalat na junk food.

Inamin ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na tinaas nila sa P5.768 trilyon ang panukalang budget sa 2024 dahil sa inaasahang revenue ng Department of Finance (DOF).

“The P5.768 trillion — 9.5% increase from this year’s budget. Dapat our increase is 9.2%, but durin­g our DBCC two weeks ago, ‘yong mga revenue mea­sure ng DOF for sweets and salty foods, supposedly 2025 ‘yan magki-kick in, but what they did is they will advance it to 2024,” paglalahad ni Pangandaman sa isang media forum.

Kahit 9.5% na mas mataas ang 2024 budget kumpara sa 2023, sinabi ng kalihim na maliit pa rin ito.

Seryosong itinutulak ng DOF at ng Department of Health ang nasabing panukala upang ma­labanan umano ang lumolobong problema sa diabetes, obesity, at mga non-communicable diseases dahil sa mga hindi masustansiyang pagkain.

Sa ilalim ng isinusulong ng DOF, P10 per 100 grams o P10 kada 100 milliliters tax ang ipapataw sa pre-packaged foods na walang nutritional value, kabilang dito ang confectioneries, snacks, desserts, at frozen confectioneries. Ang tax naman sa swee­tened beverages ay P12 kada litro.

LATEST

LATEST

TRENDING