Wage board tinadtad ng petisyon sa taas sahod

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakatanggap na ng petisyon para sa taas-suweldo ng mga manggagawa ang National Wage and Productivity Commission sa apat na rehiyon.

Sa panayam sa programang Ted Failon at DJ Chacha sa 92.3 FM, sinabi ni NWPC Executive Director Ma. Criselda Sy na may hearing kahapon para sa wage hike petition sa National Capital Region. Aniya, tatlo ang nakahaing petisyon para sa taas-suweldo ng mga manggagawa sa NCR. Ang isa ay humihingi ng P100 na across the board na dagdag sa arawang sahod. May humihingi naman na itaas ang daily minimum wage sa P1,400 at may 6 na grupo naman ang naghain ng joint petition na itaas ang daily minimum wage na P1160.

Huling nagtaas ng minimum wage sa NCR noong July 2022 na nagkakahalaga ng P33 kaya nasa P570 na ang minimum wage sa Metro Manila.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, P1,160 ang kailangan ng isang pamilya ng lima para matustusan ang kanilang mga gastusin. Ayon sa Ibon, P170 ang kailangang dagdag sa arawang suweldo para mabawi ang nawala sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Bukod sa NCR, nakatanggap din ang NWPC ng petisyon para sa taas-suweldo sa Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas. Didinggin pa lamang ang mga petisyon para sa wage hikes ng Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas.

LATEST

LATEST

TRENDING