Maharlika bill papipirmahan na kay Pangulong Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinirmahan na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang enrolled bill ng Maharlika Investment Fund Act habang ito ay nasa Estados Unidos.

Dinala ni Senate Secretary Renato Bantug ang kopya ng enrolled bill upang mapirmahan ni Zubiri sa Philippine Embassy sa Washington, D.C. nitong Miyerkoles (araw sa Pilipinas).

Bukod dito, nilagdaan din ni Zubiri ang dalawa pang enrolled bill, ang Estate Tax Amnesty Extension Act at panukala na pagkilala sa Baler, Aurora, bilang birthplace ng Philippine surfing. Sinaksihan nina Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez at Senator Francis Tolentino ang paglagda ni Zubiri sa tatlong enrolled bills.

Nasa US si Zubiri, kasama ang ibang miyembro ng Senado para sa working visit at makipagpulong sa mga miyembro ng US Congress at iba pang government agencies.

Nilinaw ng Senate President na walang dagdag gastos ang gobyerno sa paghabol ni Bantug sa Amerika dahil kasama naman ito sa delegasyon.

Kailangan ng pirma ng Senate President at House Speaker ang isang enrolled bill bago ito ipadala sa Malacañang para mapirmahan ng pangulo upang maging ganap na batas.

LATEST

LATEST

TRENDING