Flexible work arrangement sa buntis, bagong panganak hinirit

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isang panukala ang inihain sa Kamara de Representantes para sa paglikha ng flexible working arrangement sa mga buntis at bagong panganak.

Sa panukalang Pregnant Women’s Welfare Act (House Bill 8471), sinabi ng may-akda na si Cotabato Rep. Ma. Alana Samantha Taliño-Santos na sa kabila ng nararanasang hirap ay kalimitang pumapasok pa rin sa trabaho ang mga buntis at bagong panganak.

Sa ilalim ng panukala, gagawa ng flexible work arrangement at/o work from home program ang mga pribadong kompanya at mga ahensiya ng gobyerno para mas madaling magawa ng mga buntis at bagong panganak ang kanilang trabaho.

Ang polisiyang ito ay hindi umano maaaring gamitin upang mabawa­san ang benepisyong natatanggap, ma-demote ang posisyon o matanggal sa trabaho ang isang buntis o nanganak.

Batay sa panukala, ang mga hindi susunod ay pagmumultahin ng P20,000 hanggang P200,000 o makukulong ng 30 araw hanggang anim na buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING