Bagong Omicron subvariant nakumpirma sa Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng unang kaso ng Omicron subvariant FE.1 sa bansa.

Sa pinakahuling COVID-19 biosurveillance report, ang FE.1 ay sublineage ng XBB, na nadagdag sa listahan ng variants na minomonitor ng European Centre for Disease Prevention and Control noong Hunyo 1.

Ang FE.1, na kilala rin bilang XBB.1.18.1.1, ay na detect na rin sa 35 bansa sakop ng 6 na kontinente.

Gayunman, base sa nakalap na ebidensiya sa variant wala itong pagkakaiba sa original na Omicron variant.

“Limited information is available for the variant and researchers are currently characterizing FE.1 in terms of transmissibility, immune evasion, and abi­lity to cause more severe disease,” ayon sa DOH.

Nalaman sa DOH biosurveillance report na may 2,215 iba pang offshoots ng Omicron ang na-detect sa bansa. Ang 1,939 dito ay kinlasipila bilang XBB.

LATEST

LATEST

TRENDING