Divorce bill, aprubahan na!

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day, nanawagan si dating House Speaker at 1st District Davao del Norte Rep.Pantaleon “Bebot” Alvarez sa mga kasamahang mambabatas na aprubahan na ang batas sa diborsiyo sa Pilipinas.

Binigyang diin ni Alvarez, pangunahing may-akda ng Divorce Bill, na hindi na kailangang pagbigkisin pa ang isang mag-asawang naglaho na ang pagmamahal sa isa’t isa dahil hahantong lamang ito sa madalas na pag-aaway at delikado ring magkasakitan pa.

Sinabi ni Alvarez na batid niya ang bigat ng responsibilidad ng isang ama lalo na bilang providers, protektor at sandigan ng kaniyang pamilya.

“Mabigat na responsibilidad ang pagiging tatay, lalo pa na ang bawat ama ang itinuturing na haligi ng tahanan. Kailangan lagi silang matatag at malakas pero sa kabila ng matitikas na kilos at mga mapagpanggap na ngiti para sa kanilang mga anak– may emosyon din ang mga tatay—umiiyak, nasasaktan, at nahihirapan, lalo na ang mga naiipit sa magulo, mapang-abuso, at hindi masayang pagsasama,” anang solon.

Binigyang diin ni Alvarez ang kahalagahan na matugunan ang isyu sa mga kaso ng binubugbog na mister o ng mga andres de saya.

Si Alvarez ay pangunahing nagsusulong ng reporma sa Divorce Bill ay may malalim na pang-unawa sa epekto kung hindi matutuldukan ang mala-impiyernong pagsasama sa mga mag-asawang hindi na nagkakasundo at madalas pang mag-away.

LATEST

LATEST

TRENDING