Gastos sa board review ng mga nurses, sagot ng private hospitals

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Sasagutin ng mga pribadong ospital ang gastusin ng mga nurses na sasabak sa board review sa board exams kapalit ng pangako na magseserbisyo muna sila sa gobyerno.

Sinabi ito ni Health Secretary Ted Herbosa kasunod ng plano niya na kumuha ng mga hindi lisensyadong nurse sa mga pampublikong ospital, basta makakapasa sila sa board exam sa ibibigay na panahon.

“Lumapit sa akin ang private sector, sila na raw ang magbibigay ng scholarship sa mga nurse na hindi makapasa kung iha-hire sila doon sa position na ‘yun,” ayon kay Herbosa.

Nagkakahalaga ng P25,000 ang tuition fee sa mga review centers na hindi umano kayang tustusan ng maraming mga nursing graduates.

Sa oras na makapasa sa board, kailangang pumirma ng lisensyadong nurse sa kasunduan sa apat na taong pagseserbisyo sa pampublikong ospital bago sila payagang makapag-abroad.

Sa kasalukuyan, mayroong 4,500 bakanteng plantilla position para sa mga nurses sa 70 DOH hospitals.

Maaaring kumita ang mga nursing graduates ng mula P35,000 hanggang P40,000 na panimulang suweldo, at tataas pa kung mapo-promote lalo na kapag pumasa na sa board exam.

LATEST

LATEST

TRENDING