MANILA – Maaaring magkaroon ng shortage ng asukal sa katapusan ng Agosto kung hindi mag-aangkat muli ang bansa, ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) Chief Pablo Azcona.
“Kahit po gamitin na natin ang 240,000 na buffer stock, may kulang po tayo na 50,000. This is by August 31,” sabi ni Azcona sa programang Ted Failon & DJ Chacha.
Ang 240,000 toneladang buffer stock ay manggagaling sa nauna nang pinayagang angkatin sa ilalim ng Sugar Order No. 6 kung saan 440,000 tonelada ang aaangkatin ng tatlong sugar traders/importers. Ayon kay Azcona, parating pa ang 200,000 tonelada nito.
Paliwanag ni Azcona, kaya naglatag ng planong mag-angkat muli ng 150,000 toneladang asukal ay para punan ang kakulangang ito. Sa 150,000 tonelada, 100,000 tonelada ang magsisilbing buffer stock.
“We will be short by about 50,000 that is why there is a recommendation to import 150,000,” dagdag ni Azcona.