AI gagamitin sa pag-profile sa airports

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Plano ng Department of Justice (DOJ) na gumamit ng AI o Artifical Intelligence sa profiling ng mga biyahero sa mga airports bilang bahagi ng paglaban sa lumalalang mga kaso ng human trafficking.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakakaalarma na ang pagdami ng mga sindikato na sangkot sa human trafficking na nagiging kawawa ang mga nabibiktimang mga Pilipino.

Ayon sa United Nations Global Programme against Trafficking in Human Beings, ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking ‘migrant country’ sa mundo kaya malaki rin ang populasyon ng mga ‘illegal migrants’ at mga biktima ng human trafficking.

Ayon naman kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, may average na 20 umaalis at dumarating na biyahero ang nao-offload nila kada araw.  Ito ay sa kabila ng hamon sa kanila sa pag-profile sa mga biyahero at makasunod sa 45 seconds na international standard dahil sa rami ng biyahero na dumadagsa sa paliparan bawat araw.

LATEST

LATEST

TRENDING