NLEX taas-singil pinaaawat

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nanawagan ang isang senador sa North Luzon Expressway (NLEX) Corporation na huwag munang ipatupad ang pagtaas ng toll fee habang hindi nabibigyan ng solusyon ang matinding trapik sa ilang bahagi ng expressway.

“Any increase at this point would be unjustifiable and unfair to the motorists who have to deal with sometimes EDSA-like traffic on the expressway, specifically from Balintawak to Meycauayan,” giit ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.

“Bago sila humingi ng dagdag na ba­yad, ayusin muna nila ang trapik sa NLEX. I call on the management of NLEX to address this perennial traffic buildup on our major expressway,” dagdag pa ng senador.

Base sa inaprobahan ng Toll Regulatory Board (TRB), ang Class 1 vehicles (car, jeepney, van o pickup) ay magbabayad ng karagdagang P7 sa open system ng NLEX epektibo June 15, P17 naman sa Class 2 (bus at light trucks), at P19 sa Class 3 (heavy at trailer trucks). Ang open system ay sumasakop sa Balintawak sa Caloocan, Mindanao Ave­nue at Marilao sa Bulacan.

Sa NLEX closed system, mula sa Marilao hanggang Sta. Ines sa Mabalacat City, ang mga motorista ay magbabayad ng karagdagang P26 sa Class 1, P65 sa Class 2, at P11 sa Class 3.

LATEST

LATEST

TRENDING