MANILA — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na magiging sunud-sunuran muli ang Pilipinas sa ano mang uri ng external force.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes sa kaniyang talumpati sa ika-125 taong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila.
Sinabi rin ni Marcos na maipagmamalaki ng ating mga bayani kapag nalaman nila na nalabanan ng bansa ang dominasyon at hindi na muling magpapasakop sa anumang panlabas na puwersa na nagdidirekta o nagtatakda ng ating kapalaran.
“The heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny,” pahayag ng Pangulo.
“I appeal for unity and solidarity in our efforts to perfect our hard-fought freedom, and achieve genuine national progress. Heeding this call will indispensably require patriotism and a strong sense of community, diligence, industry, and responsibility from all our citizens,” dagdag ng Pangulo.
Sisikapin din ng gobyerno na tugunan ang kahirapan, kagutuman at inequality.
Aminado ang Pangulo na sa kabila ng mga naramdamang pagbabago sa bansa, marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi malaya sa kahirapan, hindi pantay-pantay ang antas sa buhay at marami ang nakakaranas ng limitadong oportunidad para umangat ang buhay.
“We will strive to remove the unfreedoms. We will aim to feed the hungry, free the bound, and banish poverty. These are primordial moral and existential imperatives laid upon your Government,” saad ng Pangulo.
Sa pamamagitan aniya ng mga inilatag na plano ng kaniyang administrasyon ay sisikaping matugunan ang mga problemang ito.
Tinukoy dito ng Pangulo ang kaniyang anim na taong Philippine Development Plan na kinapapalooban ng mga programa at serbisyo para sa mamamayan lalo na ang mga nasa mahihirap na sektor.
Magagawa lamang aniya ito kung susuporta ang taongbayan sa gobyerno.