Dagdag presyo sa gasolina, diesel inanunsiyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo matapos ang rollback noong nakaraang linggo.

Simula Martes, Hunyo 13, ipatutupad ng mga kompanya ng langis ang mga sumusunod na price hike: P1.20 sa kada litro ng gasolina, P1.40 sa diesel at P1.30 sa mga nagbebenta ng kerosene.

Ipatutupad ng Caltex ang price adjustment alas-12:01 nang hatinggabi habang ang Shell, Seaoil, Petro Gazz, Jetti Petroleum, Phoenix Petroleum at PTT Phi­lippines ay alas-6:00 nang umaga. Alas-4:00 naman nang hapon magtataas ang Cleanfuel.

Binanggit ng ilang taga-industriya na ang desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries Plus na palawigin ang tapyas sa produksiyon ng langis hanggang sa susunod na taon ang humila pataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Pero posible pa rin umanong magkaroon ng rollback sa susunod na linggo dahil naghihilahan ang ilang factors na nagpapataas at nagpapababa sa pres­yo ng imported krudo.

Tiniyak naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi magkakaroon ng problema sa supply ng kuryente sa kabila ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Pinakilos ng NGCP ang kanilang overall command center upang i-monitor ang mga transmission grid sa loob ng 15-kilometer radius mula sa bulkan.

LATEST

LATEST

TRENDING