Covid-19 positivity rate bumaba

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Bumaba pa sa 13.2% ang lingguhang Covid-19 positivity rate nationwide mula sa dating 14.8% noong Hunyo 10.

Ayon sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Guido David sa kanyang Twitter account, maging ang weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) ay naging 11.6% mula sa 14.6%.

Bumaba rin ang positivity rates sa Bataan (32%), Batangas (16.2%), Benguet (16.1%), Bulacan (12.5%), Cavite (16.3%), Isabela (40.6%), Laguna (18.1%), Palawan (17.9%), Pangasinan (19.4%), Quezon (24.1%), Rizal (12.5%) at Zambales (17.5%).

Gayunman, nakapagtala naman umano nang pagtaas ng positivity rates ang Cagayan (28.8%), Camarines Sur (34.9%), La Union (19.5%), Oriental Mindoro (48.3%), Pampanga (29.9%), at Tarlac (23.5%).

LATEST

LATEST

TRENDING