Pag-agos ng lava flow, nagsimula na sa Mayon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nagsimula na ang lava flow activity mula sa crater summit ng Bulkang Mayon, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, nakapagtala rin ang bulkan ng 21 volcanic earthquakes, 260 rockfall events at tatlong pyroclastic density current events sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, pa­tuloy na nakikita ang ba­naag o crater glow sa bu­nganga ng bulkan.

Nakapagtala rin ang Mayon ng pagluwa ng 642 tonelada ng asupre nitong Hunyo 11.

Sa ngayon, nanatiling nasa Alert Level 3 ang bulkan.

Pinagbabawalan ang mga residente doon na pumasok sa 6 km radius permanent danger zone.

Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa pagluwa ng bato at lava.

LATEST

LATEST

TRENDING