Pilipinas kasama sa visa-free travel sa Canada

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Pinalawak ng Canada ang visa-free travel program sa 13 bansa, kabilang ang Pilipinas.

Ang mga bisitang may hawak na Canadian visa sa nakalipas na 10 taon o kasalukuyang may hawak na valid na United States non-immigrant visa ay maaaring bumisita para sa paglilibang o negosyo sa pamamagitan ng pag-aplay para sa electronic travel authorization o eTA sa halip na visa kapag naglalakbay sa Canada by air, ani Sean Fraser, Minister for Immigration, Refugees and Citizenship.

Bukod sa Pilipinas, ang iba pang bansang kasama sa visa-waiver program ay Antigua at Barbuda, Argentina, Costa Rica, Morocco, Panama, St. Kitts at Nevis, St. Lucia, St. Vincent and the Grenadines, Seychelles, Thailand, Trinidad at Tobago, at Uruguay.

Ang visa-free air travel ay gagawing mas mabilis, mas madali at mas abot-kaya para sa libu-libong kilalang manlalakbay mula sa Pilipinas na bumisita sa Canada nang hanggang 6 na buwan para sa negosyo o paglilibang.

Makakatulong din ito na mapadali ang mas maraming paglalakbay, turismo at negosyo sa pagitan ng dalawang bansa, at makakatulong na palakasin ang people-to-people at cultural ties.

Ang mga manlalakbay ay nangangailangan lamang ng passport, isang credit card, email address at access sa Internet.

Malugod namang tinanggap ng Maynila ang anunsyo ng Canada, na tinawag na isang mahalagang milestone at indika­syon ng lumalagong pagkakaibigan at pagtitiwala ng Canada sa Pilipinas.

LATEST

LATEST

TRENDING