LTFRB: Walang pagtataas sa ­riding cap allocation

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Walang inaaprubahang increase sa rider cap allocation ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Technical Working Group.

“As far as the Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) is concerned, it has not authorized any increase in rider cap allocation and/or change in rider distribution among the MC Taxi Pilot Study participants,” pahayag ng LTFRB.

Base sa official pronouncement ng MC Taxi TWG noong Pebrero 14, 2020, ang final list ng riders na pinapayagan na mag-operate sa Manila sa Pilot Study Participants ay ang Angkas ay may 23,164, Joyride na may 15,000 at Move It na may 6,836.

Kamakailan lang, inilatag ng Grab Philippines ang ambitious strategy sa pamamagitan ng pagpapalawak ng riders ng 15,000 sa Metro Manila.

Mismong ang general manager nito na si Wayne Jacinto ang nag-anunsyo sa bagong estratihiya.

Matatandaang nasangkot na sa kontrobersiya ang ikatlong player ng MC Taxi Pilot Study nang akusahan ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) sa “backdoor entry” sa government’s motorcycle taxi program.

Paglilinaw ni LCSP Founder Atty. Ariel Inton, hindi tutol ang kanilang hanay sa pagpasok ng bagong player, bagkus dapat gawin ito pagkatapos ng pilot study.

LATEST

LATEST

TRENDING