China gustong makipag-‘ayos’ muli sa Pilipinas sa West Philippine Sea

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Itinutulak umano ngayon ng gobyerno ng China ang pagbuhay sa ‘joint committee meeting’ sa pagitan ng China Coast Guard at Philippine Coast Guard upang mapag-usapan ang mga isyu sa West Philippine Sea.

Matatandaan na inumpisahan ang taunang joint committee meeting ng CCG at PCG noong administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nais buhayin ngayon sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Sinabi ni PCG spokesperson for the Weest Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, na wala namang malaking kasunduan ang nagawa sa mga nakalipas na pagpupulong pagdating sa tensyon sa WPS at wala ring kinahantungan ang mga napag-uusapan.

“The Chinese government is still pushing na i-revive itong joint coast guard committee meeting between the China Coast Guard and the Philippine Coast Guard,” ayon kay Tarriela.

Unang ginanap ang Joint meeting noong 2017 sa Subic, Zambales kung saan nagkasundo ang China at Pilipinas na palakasin ang kanilang maritime cooperation sa paglaban sa drug trafficking at iba pang transnational crime, search and rescue, environment protection at emergency response.

Sa ngayon, ang stand ng gobyerno ng Pilipinas ay dapat dumaan sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng pag-uusap ng mga bansa o ang diplomatic channels.

Sinabi rin ni Tarriela na sa ilalim ng administrasyong Marcos, mas nalantad ang agresibong pag-uugali ng China sa WPS na hindi naipapabatid sa publiko noon.

LATEST

LATEST

TRENDING