BFAR sinisi sa posibleng pagmahal ng isda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagbabala ang isang pederasyon ng mga asosasyon ng commercial fishing na posibleng tumaas ang presyo ng isda dahil sa pagpupumilit umano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa patuloy na implementasyon ng isa nitong administrative order.

Ayon sa Alliance of Philippine Fishing Federations Inc. (APFFI), isang napakalaking banta sa food security ang Fisheries Administrative Order (FAO) No. 266 ng BFAR dahil nagpapahina ito sa lokal na produksiyon ng isda.

Ang APFFI ay binubuo ng iba’t ibang samahan ng commercial fishing sa bansa mula Luzon hanggang Mindanao at ito’y kinabibilangan ng Inter-Island and Deep Sea Fishing Association, Quezon-Marinduque Fishing Boat Operators and Fishermen’s Association, United Bicol Fishing Federation, Bisayas Alliance of Fisherfolk and Operators Reform Inc., SOPHIL Fishing Association Inc., at One Visayas Fish Network Inc.

Binigyang-diin ng pederasyon na unang-unang nasasapul ang mahihirap na pamilyang Pilipino sa tuwing kinukulang ng suplay ng isda dahil nagtataas ang presyo nito, bukod pa sa nagiging paalasa ang pamahalaan sa importasyon kahit pa isang arkipelago ang bansa.

Ginawa ng APFFI ang pahayag nito sa gitna ng pinangangambahang walang basehang pag-“red card” ng European Commission sa karagatan ng Pilipinas na maaaring makadagdag sa masamang epektong dulot ng FAO 266 sa kakulangan ng isda at iba pang yamang dagat sa mga pamilihan.

LATEST

LATEST

TRENDING