Pagpapalakas ng export nirekomenda kay Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inirekomenda ng mga economic manager kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Export Development Plan upang mapalakas ang export ng bansa at mapaigting ang mga programa at istratehiya na makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na hindi makatugon ang bansa sa demand ng volume sa mga ini-export na mga produkto kaya kailangang mapaigting pa ito upang matugunan ang pangangailangan ng ibang mga bansa.

“As you may know, the Philippines is lagging behind our neighboring countries when it comes to export. We can consider ourselves as “laggards” currently, the Philippines’ performance in exports. It may not be to… yet match the levels achieved by the more progressive neighbors that we have but it will certainly improve the volume of our exports,” ani Pascual.

Dahil dito, inilatag sa ginanap na cluster meeting sa Malacañang nitong Martes ang PEDP na naglalayong matugunan ang mga hamon ng iba’t ibang sektor na nasa export business.

Sinabi ni Pascual na sa ilalim ng PDEP, tatlong strategic options ang kailangang gawin upang matugunan ang problema.

Kabilang dito ang paglutas sa probema sa produksiyon, ikalawa ang pag-develop ng matatag na export ecosystem at pangatlo, pataasin ang global market.

LATEST

LATEST

TRENDING