Singil sa kuryente, tataas ngayong Hunyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nagbabadya umanong tumaas ang singil sa kuryente ngayong Hunyo.

Ito ang inihayag kahapon ni Manila Electric Company (Meralco) spokesperson Joe Zaldarriaga kahapon, ngunit mabilis na nilinaw na ang namumurong pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan ay hindi dahil sa nagmahal na supply ng kuryente, kundi dahil mawawala na ang P0.87 na refund, na halos isang taon ding napakinabangan ng mga konsyumer.

Matatandaang Hulyo 2022 nang ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco na simulan ang pagre-refund ng P22 bilyon sa mga consumers.

Sinabi ni Zaldarriaga na ngayong buwan ay hindi na makikita ang naturang refund kaya’t madaragdagan ang singil sa kuryente at magkakaroon ito ng impact sa overall electricity rates.

Sa pagtaya ni Zaldarriaga, hindi naman magiging sobrang laki ang magiging dagdag sa singil sa June billing.

Posible kasi aniyang magkaroon ng bawas sa presyo ng kuryente, mula sa mga kakontrata nilang suppliers.

Inaasahang iaanunsiyo ng Meralco ang pinal na price adjustment sa singil sa kuryente sa mga susunod na araw.

LATEST

LATEST

TRENDING