DSWD, nakaalerto na sa pag-aalboroto ng Taal at Mayon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Naghahanda na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibleng ipagkakaloob ng tulong sa maaapektuhan ng abnormal na aktibidad ng bulkang Taal sa Batangas at bulkang Mayon sa Albay.

Kaugnay nito, inatasan ni DSWD Secretary Rex Gat­chalian ang mga Field Offices nito sa Southern Tagalog at Bicol regions na maging alerto.

Pinatitiyak ni Gatchalian sa mga tauhan na may sapat na stockpile ng family food packs at sapat na standby funds ang DSWD sakaling kailanganin para sa pagsasagawa ng relief efforts.

Nais ni Gatchalian na gamitin ang mga datos sa nagdaang pagsabog ng mga naturang bulkan sa pagdetermina ng dami ng kinakailangang mahatiran ng relief supplies.

Nauna nang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology And Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Mayon matapos makapagtala ng ‘increasing unrest’ sa bulkan.

LATEST

LATEST

TRENDING