Maharlika bill takaw asunto sa SC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — May posibilidad na iak­yat sa Korte Suprema ang panukalang Maharlika Investment Fund dahil sa kawalan nito ng test of economic viability, ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero.

Paliwanag ng senador, ang test of economic viability ay isang papel na magpapatunay na kikita ang lilikhaing Maharlika Investment Corporation o MIC.

Aniya, noong nilikha umano ang Saligang Batas noong 1987, maraming Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) ang nalugi at binalikat ng taumbayan ang mga bayarin nito.

“Kaya isa sa mga requirement na inilagay nila na dapat may test of economic viability. Ibig sabihin hindi dapat malalugi ang kompanya, dapat kumbinsido tayo na hindi malugi ang kompanya. Dokumento ‘yan na dapat isumite sa Kongreso na dapat timbangin ‘yan, dapat pag-aralan ‘yan,” sabi ni Escudero sa panayam sa DZBB.

“Para sa akin ‘yong business proposal hindi tumutugon dito. Dito ako tumututol pero ang gusto lang sana bigyan ng bala ang administrasyon, ‘yong Office of Solicitor General para kapag may nagkuwestiyon, maipagtatanggol niya na may basehan kung saka-sakali,” dugtong pa niya.

“Magandang makita kung paano mapapagpasiyahan ‘yan ng Korte Suprema kung may mag-aakyat ng kaso,” ani Escudero. 

LATEST

LATEST

TRENDING