DOH nagbabala vs mga ‘kumakalat na sakit’ tuwing El Niño

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nagpaalala ang Department of Health (DOH) pagdating sa mga naglilipanang sakit tuwing matinding tagtuyot dulot ng El Niño phenomenon, bagay na posibleng ianunsyo pinakamaaga sa Hunyo.

Ngayong buwan lang nang maglabas ng El Niño alert ang PAGASA, kung saan sinasabing nasa 80% ang posibilidad na magsisimula ito sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto at maaaring umabot sa 2024.

“Due to the extreme hotness in weather, scarcity of clean water, and frequent rains, herewith are the diseases that you may contact during El Nino,” sabi ng DOH sa mga reporter ngayong Martes.

Ilan sa mga tinukoy ang mga sumusunod:

  • diarrhea
  • sunburns
  • fatigue, heat cramp/stroke
  • food poisoning, asthma, nausea, atbp. sakit dahil sa pagkonsumo ng pagkaing apektado ng “Red Tide”
  • cholera, typhoid fever, atbp. vector-borne diseases gaya ng dengue

Ayon sa PAGASA, tumataas ang tiyansa ng “below-normal rainfall conditions” tuwing may El Niño, bagay na may negatibong epekto gaya ng dry spell at drought sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Sa kabila nito, makaaasa naman ng above-normal rainfall conditions ang mga nakatira sa kanlurang bahagi ng Pilipinas tuwing panahon ng Habagat (Southwest Monsoon).

LATEST

LATEST

TRENDING