PNP tinukoy ang 7 rehiyon na aktibo ang private armed groups

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tinukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pitong rehiyon sa bansa na aktibo ang pagkakaroon ng mga private armed groups (PAGs) kaugnay ng kanilang paghahanda sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE)sa Oktubre.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda Jr. ang mga rehiyon na may PAGS ay kinabibilangan ng Ilocos, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Caraga, Cordillera, at Bangsamoro.

Sinabi ni Acorda na naglabas na siya ng direktiba sa kanyang mga regional directors na mas paigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga private armed groups upang matiyak na walang anumang illegal activities at gulo sa panahon ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Acorda, may natanggap na silang report na ilang elected government officials at mga nagbabalak kumandidato ang nakakatanggap ng pagbabanta kaugnay ng nasabing halalan. Ginawan na rin ng PNP ang lahat upang mabigyan ng sapat na seguridad ang mga ito.

Dagdag ni Acorda, maari naming humingi ng exemption sa gun ban o karagdang security mula sa PNP ang mga nakakatanggap ng pagbabanta.

LATEST

LATEST

TRENDING