Maharlika Board susulutin mga proyekto ng Kongreso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isiniwalat ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na magiging “super GOCC” ang Maharlika Investment Corp. kapag tuluyang naging batas ang paglikha ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ang Board na mamamahala sa MIF ay magkakaroon umano ng sungay tulad ng mga karaniwang government owned and controlled corporation at puwede silang gumawa ng malala­king proyekto na trabaho dapat ng Senado at Kamara.

“Ang nakakatakot parang pinalitan na ni Maharlika Investment Corporation si Congress pagdating sa mega infrastructure projects, ‘yan daw ang plano nila eh,” paglalahad ni Pimentel sa isang radio interview.

“Kung malalaking infrastructure daw, si Maharlika na ang magde-decide. So, imagine mo imbes na mga halal na mga opisyal, 315 members of the House of Representatives, 24 members of the Senate, papalitan kami ngayon ‘yong decision making namin ng siyam na tao na hindi pa kilala,” saad ni Pimentel.

LATEST

LATEST

TRENDING