EU user data inober da bakod sa US FB owner, pinagmulta ng $1.3B

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinagmumulta ng $1.3 Bilyon ang Meta, may-ari ng nangu­ngunang social media platform na Facebook, matapos nitong ilipat sa US ang mga user data ng European Union (EU).

Inatasan ng European Data Protection Board (EDPB) ang Irish Data Protection Commission (DPC) na kumakatawan sa EU, para kolektahin sa Meta ang administrative fine na 1.2 billion euros o $1.3 bilyon

Nabatid na 2020 pa nang simulan ng DPC ang imbestigasyon sa ginagawa ng Meta Ireland na paglilipat sa personal data ng mga user nito sa US. Pagbabalewala anila ito sa karapatan at kalaya­an ng mga user nito na una nang niresolba ng Court of Justice of the European Union (CJEU).

Samantala, sinabi ni Meta president for global affairs Nick Clewg na maghahain sila ng apela para hilingin ang pagbawi sa ipinataw sa kanila na multa.

LATEST

LATEST

TRENDING