
MANILA – Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagawang makapag-withdraw ng mga kawatan sa account na pinaglipatan ng mga kinuhang pondo sa GCash account.
Sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla na bagama’t naibalik sa GCash users ang nawala nilang pera, ilang pondo naman ang hindi na nabawi.
“Effectively, GCash is shouldering the difference,” paliwanag ni Medalla na nagsabi pang hindi hacking ang nangyari sa GCash kundi phishing.
Kuntento naman ang BSP chief sa security features ng local digital payment platforms pero dapat pa rin umanong mag-ingat ang mga consumer upang hindi mabiktima ng phishing.
Nagbigay ito ng payo sa mga user na huwag ibabahagi sa ibang tao ang kanilang OTP o one-time password dahil ito ang huling level ng protection.





