Mga gov’t employee paldo sa midyear bonus

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Uumpisahan nang magpamudmod ng midyear bonus sa mga kawani ng pamahalaan nga­yong Lunes, Mayo 15.

Sabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, makatatanggap ng midyear bonus ang mga kawani ng pamahalaan ngayong taon at nakalagay na ito sa budget ng pamahalaan o sa 2023 General Appropriations Act.

“Alam naman po natin na isa ito sa mga inaabangan ng ating mga kapwa kawani ng gobyerno na talagang makatutulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan,” sabi ni Pangandaman.

Sabi ng Department of Budget and Management, ang midyear bonus ay katumbas ng basic pay ng government employee sa isang buwan. May 1.77 milyong permanenteng position sa national government at 480,037 naman ang mga military at uniformed personnel.

Ang mga kawalipikadong makatanggap ng midyear bonus ay ‘yong mga nakapagserbisyo ng kabuuang apat na buwan mula Hulyo noong nakaraang taon. Ibig sabihin, ang mga nagtrabaho sa pamahalaan mula Hulyo 2022 at natanggal ngunit nakabalik naman at nakapagtrabaho ng apat na buwan at nasa pamahalaan as of May 15 ay makakukuha ng isang buwang basic pay na midyear bonus. Kailangang ding satisfactory ang performance rating ng kawani para makakuha ng midyear bonus.

Para naman sa mga personnel sa mga lalawigan, bayan at munisipalidad, pati na mga kawani sa barangay, ang midyear bonus ay ibabatay sa desisyon ng kanilang sanggunian.

LATEST

LATEST

TRENDING