PSA: Pilipinas mabagal paglago ng ekonomiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Mabagal ang naging paglago ng ekonomiya sa unang quarter ng 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sabi ng PSA, ito ang pinakamabagal na naitala nila sapul nang umawala ang bansa sa tinatawag na pandemic-induced recession sa kalagitnaan ng taong 2021.

Dagdag pa ng PSA, ang ekonomiya, na nasusukat sa gross domestic product (GDP) o ang kabuuan na halaga ng mga tinatawag na total value of goods and services na naililikha sa isang quarter, ay umakyat ng 6.4% mula Enero hanggang Marso, 2023.

Mas mabagal ito sa 8% growth rate sa kaparehong panahon noong 2022 at mas mababa sa revised 7.1% growth sa fourth quarter ng 2022.

“Ito din ang pinakamababang paglago matapos ang pitong quarter nang magsimula ang pagbangon ng bansa mula sa pandemiya noong ikalawang quarter ng 2021,” paliwanag ni National Statistician Dennis Mapa.

Binubuhay ng Pilipinas ang ekonomiya nito sapul nang tumama ang pandemya.

Nagiikot sa abroad si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para ibenta ang Pilipinas bilang investment hub. Milyon-milyon nang mga investment pledges ang nakuha nito.

Noong 2021, ang ekonomiya ay nakalabas sa tinatawag na recession sa ikalawang quarter ng 2021 kung saan ang GDP growth rate ay pumalo sa 12%.

LATEST

LATEST

TRENDING