Eksperto nirekomenda pagsusuot ng face mask

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinayuhan ng isang eksperto ang publiko na panatilihin pa rin ang mga pag-iingat at paggamit ng face mask kahit pa idineklara ng World Health Organization (WHO) na tapos na ang “global public health emergency”.

Sa Laging Handa public briefing, ipinaliwanag ni Infectious Diseases Expert Edsel Salvaña na hindi ang COVID-19 ang nawala na kundi ang epek­to ng virus sa mga tao dahil mas kontrolado na at alam na ng mga tao ang gagawin kapag nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19.

Hindi na aniya kasing-lala ang epekto ng CO­VID-19 sa ngayon kum­para noong wala pang bakunang panlaban sa virus na kailangan pang mag-lockdown at huwag lumabas ng bahay.

“Ang dineclare nila hindi ‘yong pandemya, ang sinabi nila ‘yong “public health emergency of international concern”. Sinasabi ng WHO na ‘yong naging impact ng COVID sa araw-araw ngayon ay mas kontrolado hindi na siya katindi nong wala pa tayong bakuna at sa tingin natin nape-predict na natin kung ano ang nangyayari natin,” ani Salvaña. 

LATEST

LATEST

TRENDING