Marcos Jr. pinatutukan pangakong P72B investment mula sa US

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Agad pakikilusin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kinauukulang opisyal ng gobyerno para mag-follow up sa mga kasunduan at mga oportunidad na naselyuhan sa kanyang naging biyahe sa Amerika lalo na ang may kinalaman sa pamumuhunan at pagnenegosyo.

Sinabi ng pangulo na mahalagang matutukan ang mga naging bunga ng kanyang official visit sa Estados Unidos para sa hinahangad na pag-unlad ng bansa at hanapbuhay sa maraming mga Pilipino.

“I look forward to having our respected teams follow through on the many areas of cooperation that we have identified. This will help advance our key priorities,” anang pangulo.

Kabilang sa mga naging bunga ng US trip ni Pangulong Marcos ang mga oportunidad sa larangan ng agrikultura at food security, malinis na enerhiya, mas pagpapalakas sa supply chain, connectivity at digitalization gayondin sa climate change adaptation.

Maganda aniya ang pasalubong nito sa mamamayan mula sa kanyang US trip dahil nakakuha ito ng P72 bilyon investment pledges na may potensiyal na makapagbigay ng 6,700 trabaho para sa mga Pilipino.

LATEST

LATEST

TRENDING