DOH, IATF magpupulong sa Covid-19 protocols

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Magpupulong ang Department of Health (DOH) at ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para talakayin at suriin muli ang mga alituntunin ng Covid-19 kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na hindi na isang global health emergency ang virus.

Sinabi rin DOH na welcome sa kanila ang desisyon mula sa WHO, dahil sinasalamin nito ang pagsisikap ng gobyerno sa pagtugon nito sa Covid-19.

“The DOH will convene the members of the [IATF-EID] to discuss and reassess policies and other guidelines affected by the declaration,” ayon sa pahayag nitong Biyernes.

Ang gagawing mga hakbang ay iaakyat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pag-apruba.

“The DOH guarantees the Filipino people that all factors in determining our next action in line with the WHO’s proclamation will be considered and discussed for the approval of the Pre­sident,” ayon sa DOH.

Naniniwala naman ang isang infectious disease expert na dapat magpatuloy ang ilang Covid-19 protocols sa kabila ng deklarasyon ng WHO na tapos na ang global health emergency.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante, chairman ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine sa San Lazaro Hospital, kahit wala nang deklarasyon ng global health emergency ang nasabing virus ay hindi na­ngangahulugan na natapos na ang pandemya.

“Importante pa rin ‘yan dahil alam natin that the virus continues to mutate, and there are (members of the) population at high risk of getting the infection, that can also get the more severe infection,” dagdag niya.

Sinabi ni Solante na dapat ding panatilihin ang pagsubaybay sa mga kaso at pagsubaybay sa kapasidad ng medical facilities upang mapagtuunan pa rin ng atensyon ang mga kaso ng Covid-19.

Ang Covid-19 virus ay nag-iwan ng hindi bababa sa 20 milyong tao ang namatay sa buong mundo, at sa Pilipinas ay hindi nasa 66,444 katao ang nasawi, batay sa datos ng DOH.

LATEST

LATEST

TRENDING