SWS: 42% pabor sa optional ROTC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Sang-ayon ang mas maraming Pinoy na gawing opsiyonal ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program para sa mga senior high school (SHS) students sa bansa.

Ito ang resulta ng isinagawang First Quarter 2023 Social Weather Stations (SWS) national survey, kung saan tinanong nila ang may 1,200 adults sa buong bansa kung ang ROTC program ay dapat bang ga­wing “optional,” “compulsory,” o “should not be in the curriculum of students” sa SHS.

Lumitaw na 42% ng respondents ang naniniwala na dapat opsiyonal lamang ang programa; 35% ang compulsory at 22% ang hindi na ito dapat pang isama sa kurso ng SHS.

Sang-ayon ang mga respondents na gawing optional ang ROTC program, na ang isang estudyante ay dapat na bigyan ng pagkakataon na makapamili sa pagitan ng programa o ng community service.

Anang SWS, ang optional ROTC ay pinakamataas sa Balance Luzon (47%), Metro Manila (46%), Min­danao (42%), at Visayas (28%).

Nakakuha ng pinakamalaking suporta sa mandatory ROTC ang Visayas (46%), Mindanao (34%), Balance Luzon (32%) at Metro Manila (29%).

Nasa 1% lang ang ‘hindi niya alam o walang sagot’ hinggil sa implementasyon ng ROTC program.

Ang survey na gumamit ng face-to-face interviews, ay isinagawa noong Marso 26-29.

LATEST

LATEST

TRENDING