
MANILA – Nanataling mataas ang performance rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, Vice President Sara Duterte-Carpio at iba pang mataas na opisyal ng gobyerno sa kabila ng bahagyang pagbaba ng kanilang puntos sa first quarter ng PULSO ng Pilipino survey ng The Issues and Advocacy Center.
Ang survey ay isinagawa noong Abril 11 hanggang 18, 2023 na may 1,200 respondents nationwide.
Sa naturang survey, 80% ng mga respondent ang nagsabing satisfied o nasiyahan sila sa pamumuno ni Marcos habang 8% ang nagsabing hindi nasiyahan para sa net performance na +72%.
Ito ay anim na puntos na pagbaba sa dating rating ng pangulo na +78% net sa katapusan ng 2022.
Si Duterte-Carpio na nakapatala rin ng katulad na +72 net performance rating batay sa 79% ng 1,200 respondent na nagsabing nasisiyasahan sila sa performance ng bise president laban sa 7% na hindi nasiyahan sa kanyang performance.
Samantala, nakuha naman ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang net satisfaction ratig na +66%, habang si Speaker Ferdinand Martin Romualdez naman ay nakapagtala ng 70% satisfaction rating pero 13% naman ang hindi nasiyahan sa kanyang performance o net satisfaction rating na +57%.
Samantala, si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ay nakakakuha ng +39% net satisfaction rating kung saan 51% ng mga respondent ang nagsabing nasiyahan sila sa kanyang performance habang 12% naman ang hindi nasiyahan.





