Muntik na banggaan sa Ayungin, itinaas ni Pangulong Marcos sa China

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Itinaas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga awtoridad ng China ang muntik nang banggaan ng mga barko ng Philippine at Chinese coast guard sa West Philippine Sea.

Inakusahan ng Pilipinas ang Chinese Coast Guard na nagsagawa ng mapanganib na ma­niobra sa Ayungin Shoal na muntik nang magresulta sa banggaan ng kanilang barko sa Philippine Coast Guard patrol vessel na BRP Malapascua.

Sinabi ni Marcos na ito ang mga insidente na dapat maiwasan dahil magdudulot ng casualty sa magkabilang panig.

“I have already. You know, this is the kind of thing that we are hoping to avoid. But this time it was a little more dangerous, because malapit na sila, talagang kamuntik nang magbanggaan. And that will cause casualties on both sides, and that is exactly what we want to avoid,” ani Marcos.

Iginiit ni Marcos sa Beijing na pabilisin ang paglikha ng high-level communication mechanism para maresolba ang mga ganitong insidente sa West Philippine Sea.

Samantala, sinabi ni Marcos na nagkasundo ang Manila at Beijing na maupo at pag-usapan ang isyu ng fishing grounds sa West Philippine Sea.

“Sabi ko, pwede ba, pag-usapan na natin ang fishing grounds dahil ito naman talaga ang first priority natin for now. Of course ang overall priority is to safeguard our maritime territory but when you go down into the details, the most immediate concern is the fishing rights, so that is what we have to do, that’s what we have to decide,” ani Marcos.

Muli ring inulit ni Marcos ang pahayag na hindi ipapagamit ang Pilipinas bilang “staging post” para sa anumang aksyong militar sa gitna ng tensyon sa Indo-Pacific region.

LATEST

LATEST

TRENDING