
MANILA — Itinanggi ng Department of Health (DOH) na muli nilang ibabalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask makaraan ang pagtaas muli ng mga kaso nito sa bansa.
Ito’y matapos ang isang viral na social media post na nagsasaad na muling ibabalik ang face mask na tinawag nilang “false” o mali.
Sa kabila rin ito ng pag-uutos ng ilang lokal na pamahalaan partikular ang Iloilo City Hall at ng Manila Barangay Bureau sa muling pagiging mandatoryo ng face mask para maampat ang pagkalat muli ng COVID-19.
Nananatili umano ang Metro Manila sa Alert Level 1 na siyang pinakamababang alert level at pinaka-relax, hanggang Abril 30. Nangangahulugan na mananatili o ‘status quo’ ang mga restriksyon na ipinatutupad.
“The Department clarifies that the current Alert Level System is still being discussed through the IATF, and the DOH has previously recommended that these alert levels be similar to typhoon warnings and a guidance system in the future,” dagdag ng DOH.
Unang naglabas ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng talaan ng 26 na lugar sa bansa na nasa Alert level 2.
Ngunit iginiit ng DOH na dati nang nasa Alert Level 2 ang mga ito noon pang Hunyo 2022 at walang pagtataas na nangyari.
Muling nanawagan ang DOH sa publiko na kumuha at maniwala lamang sa mga impormasyon mula sa mga opisyal na sources tulad ng mga opisyal na social media accounts ng pamahalaan at mga news outlets para hindi mapaniwala sa mga maling impormasyon.





